Jadevine's Journey

Everyday Life, ReflectionsDecember 17, 2005 9:24 pm

Ang dami kong kilala na gustong umalis sa Pinas at magpunta sa ibang bansa. Sawa na sila sa hirap ng buhay sa bansa natin. Sawa na sa traffic, sa pulitika, sa corruption, sa gobyernong walang magawa. Kayod sila nang kayod, wala namang mabili. Ang pangarap nila ay makapunta sa Isteyts, kung saan “masarap ang buhay”, madaling bumili ng bahay at kotse. Di nila alam, mahirap din ang buhay dito.

Oo, madali ngang bumili ng mga bagay dito. May kotse ka, microwave oven, dishwasher, clothes washer and dryer. Pero ang isang luxury na meron sa Pinas na wala dito… katulong. Maid. Yaya.

Sa Pinas, basta may disente kang trabaho, puwede kang magkaroon ng katulong. O kaya kahit taga-laba lang. Kukunin ang damit mo kada linggo; pagbalik sa iyo, malinis na at plantsado pa! Minsan, iba pa ang maid na taga-luto sa “all-around maid”. Dito, kayod ka nang kayod, pag-uwi mo, di ka makaupo na lang sa hapag-kainan kung di ka magluluto. Kung di ka maglalaba, wala kang isusuot! Oo nga, at may washer and dryer. Pero, sasakay ba naman ang damit mag-isa sa washer? Itutupi ba niya ang sarili niya?

Sa Pinas, pag may anak ka, kadalasan may yaya din. Kung ilan ang anak, yun din ang bilang ng yaya. Dito, ke isa o apat ang anak mo, ikaw lahat ang mag-aalaga. Puwede mong dalhin sa daycare siyempre, pero pag-uwi, ikaw pa rin ang yaya nila.

Dito, may kotse ka. Dalawa pa kung gusto mo. Pero pag may kailangan kang bilhin, kahit patis lang sa oriental store, ikaw ang kailangang pumunta. Wala kang mauutusang bumili ng asin sa tindahan sa kanto.

Mura ang pagkain dito, lalo na kung ikaw ang magluluto at hindi laging kumakain sa labas. Yun nga lang. Kailangang lutuin. Kung ilang beses at kung ano ang gusto mong kainin, yun din ang pagluluto mo. Unless OK lang sa iyong kumain ng adobo tatlong araw na sunod-sunod.

May bahay ka dito. Pero ikaw ang maglilinis. Kung may lawn ka, ikaw din ang maggugupit ng damo. Di mo puwedeng patubuin nang mataas, kasi i-re-reklamo ka ng kapitbahay mo. Kung nagkataong may snow sa inyo, ikaw din ang magtatanggal sa driveway at sidewalk. Pag may nadulas dahil di mo nilinis, puwede ka niyang i-demanda.

Ngayon, puwede ka namang magkaroon ng katulong dito. Pero mahal din ang ibabayad mo. Di tulad sa Pinas, magkano lang ang suweldo ng katulong. At bihira pa sa pulang ampalaya ang stay-in maid dito.

Kung nag-iisip ka na mas masarap ang buhay-U.S. at gusto mong pumunta dito, pakaisipin mo. Kaya mo bang gawin ang trabaho mo, pati na lahat ng trabaho ng maid, yaya at hardinero mo?

Mahirap ang buhay sa Pinas, pero mahirap din dito. Kanya-kanyang hirap lang siguro ang buhay, ano?

Everyday LifeNovember 27, 2005 11:48 pm

Ba’t ganon? Sa salamin namin sa bahay, di ako mukhang mataba. Pero kanina nung nagsukat ako ng damit sa department store, parang biglang ang laki ng braso ko, at may mga kurba na wala naman dati. Hmmm. Di ba dapat baliktad? Di ba dapat mas mukhang payat sa department store para ma-engganyong bumili ng damit ang mga tao? Kakainis tuloy mamili ng damit.

Isipin ko na lang, at least may rason ako para tumaba. Krispy kreme donuts! harharhar. Joke lang yon, ha.

UncategorizedNovember 24, 2005 12:18 am

Winter na! at di pa ako handa! Lubog na kami sa tatlong pulgada ng yelo. :( Taon-taon, pag Thanksgiving may snow. Dati, flurries lang. Ngayon, aba at snow storm yata ang inabot namin. Buong araw bumabagsak ang snow. Tuwa naman ang maliit na bata at paulit-ulit na nagsabing “dami no” (daming snow).

Balak ko sanang lumabas kami kanina at may bibilhin at kukuning libro. Buti na lang, hinintay ko na lang si mister kasi kawawa din si bulilit. Sobrang ginaw sa labas. Tapos, siyempre, mahirap din maglakad at magbuhat ng bulilit at pinamili, no? Sabay pa, lakad ka sa halos-tunaw na yelo.

Pero totoo nga pala, di mo talaga makakalimutan paano mag-drive sa snow. Marunong pa rin naman ako. Paano naman, parang tatlong buwan pa lang ang nakakaraan simula nung huling nakita namin itong puting bagay na ito. Maiksi lang talaga ang summer dito. O baka tingin ko lang yon?

Bukas kukunan ko ng litrato ang yelo para naman makita niyo. :)

Everyday LifeNovember 17, 2005 8:30 pm

Image hosted by Photobucket.com
Ito ang sumalubong sa amin kaninang umaga. Tinitingnan ko pa lang yung litrato, giniginaw na ako. 25 degrees Fahrenheit ang temperatura, 15 ang wind chill (ito ang “what it feels like” pag humahangin). Sa centigrade/Celsius, 4 degrees below zero yun! at pag humangin, ang pakiramdam ay -9!

Everyday LifeNovember 16, 2005 9:16 pm

Dalawang usa

May dalawang linggo nang nakaraan, may mga bisita kami sa yard namin. Taon-taon, dumarating sila. Nasanay na kami, at inaabangan na namin sila. Pati si J, alam na rin kung saan sila hahanapin. Minsan marami silang bumibisita. Kadalasan doon lang sila sa may matataas na talahib, nagtatago, tumatakbo, pasilip-silip lang. Pero minan naman, tulad nung umagang ito, pumapasok sila sa lawn. Nakakatuwa sila, ano?

UncategorizedNovember 15, 2005 11:09 pm

A guy came by our house today to talk finance matters. We’re planning to setting up a college fund for the little boy, and are looking at the options. Before he was even born, we knew we wanted to set aside some resources to help him get a college degree.

Someone once told me the reactions she got when she told others about a having a college fund for her kids.

One was “Are you sure they’re going to college?”. That may be a valid question for some. But in our family, we go to college. Everyone has a university degree. In my mind, there is no question about whether or not. The only questions are where and for what degree. It’s a given for us… after high school, college comes next. So, there’s a 99% chance of the little ones going someday, too. I’m only giving 1% up cause there’s no 100% certainty about what the future may bring.

Another reaction is, “Just get them through high school. If they want to go to college, they can fend for themselves.” Coming from a culture where parents, if they can, traditionally support their children through college, I find it hard to think about letting kids scrape their way through, and emerge laden with student loans and various debts. Though I see the value of working while in college, tuition is a big burden to bear. So, if we are able to help, why not? But we’ll encourage them to work for extra money that they may need or want. They’ll get some freebies, but not everything.

That day is still far-off into the future. The little one can’t even read yet. But early planning always pays off.

The WorldNovember 14, 2005 11:28 pm

Crowds of well-wishers shouted “banzai” (long life) and applauded as Japan’s Princess Sayako left the royal palace Tuesday to marry urban planner Yoshiki Kuroda.

In doing so she bid farewell to her life as a privileged princess.

Princess Sayako says farewell
Maraming taong gustong maging prinsipe or prinsesa. Pero minsan sa matagal na panahon, may prinsesa o prinsipe na iiwanan ang palasyo para makapiling ang minamahal. Sana’y maging maligaya si Prinsesa Sayako sa kanyang bagong buhay.

Galing sa:CNN, Nov. 14, 2005

Reflections 11:15 pm

Blogging has helped me refine the way I use the English language. I’ve become aware of patterns in my writing that are really not good practices. For example, the use of the words “actually” and “really”. I’ve realized that I actually use these words a lot. They don’t really help me communicate better. They are actually just fillers, as my graduate advisor would say. They really don’t add anything to a sentence. If I state a fact, isn’t it actually actual? Or real? Even when stating opinions or observations, aren’t they really real?

Due to this realization, I’ve actually tried to be more observant of my use of these words. I really want to eliminate them as much as possible. I’m really afraid that using them too much may actually make me out to be an airhead, which I assure you I’m really not. Those who read my writing may also get really irritated by the use of such empty words too often.

So, I’ll try. Really.

Reflections, Family News 9:05 pm

Nakakaaliw ang merong anak. Nakakatuwa kasi ang maliliit na paa nilang patakbo-takbo sa bahay. Nakakaaliw silang panoorin. Ang bilis kasing matuto. Minsan nabibigla na lang ako sa mga nalalaman na ng anak ko. Di ko alam na napupulot niya na pala sa amin ang mga pananalita namin. Nung isang araw, sabi ko, “Ay, caramba”. At may maliit na echo na sumagot, “Ay bamba”.

Alam niya na ang concept ng “marami”… “dami eti” (daming spaghetti), “dami bibip” (maraming cars) … ang “kalat”, “ayos”.

Marunong na ring magbiro.
Minsan sinasabi niya, “la na dodo, bos na dodo” (wala nang gatas, ubos na ang gatas) kahit na hindi pa ubos.
Sasabihin ko sa kanya, “hindi pa ubos, meron pa, niloloko mo naman si mommy, eh.”
Sagot naman ng isa, “lololo mamee”, sabay tawa.

Kaya kailangan talagang pag-ingatan kung ano’ng naririnig niya. Dahil siguradong gagayahin at matututunan. Ganon na rin ang mga pag-uugali. Gusto kong ma-preserve ang pagka-inosente niya, kaya pinapaalalahanan ko ang sarili ko na mag-ingat sa pinapakita sa kanya. Dahil yun din ang gagawin niya.

Malaking responsibilidad talaga pala ang magka-anak.

Everyday LifeNovember 12, 2005 9:20 pm

Pancit canton

Nung isang araw, nagluto ako ng pancit canton para sa agahan. Yung instant ito. Naalala ko nung una itong sumikat sa Pinas. Lagi namin itong meryenda. Kaming magkakapatid, at mga kaibigan (at kapitbahay) na rin. Kaya naman, “feels like home” pag nagluluto kami nito. Tuwing pumupunta kami sa oriental store, lagi kaming bumibili. Para naman may stock sa cabinet lagi. Mabilis lang siyang lutuin. Masarap, kahit panay noodles, walang sahog. Gusto namin yung original nito, pati yung calamansi-flavor. Yung spareribs flavor, yikes, lasang sunog na uling. Ang ginagawa ko, pinaghahalo ko yung isang pakete ng original flavor at isang pakete ng calamansi-flavor.

Pancit canton at mainit na kape para sa agahan! Siyempre, ubos lahat yang nasa plato na yan. Dalawa kaming nag-enjoy, eh!

Lucky me!